Make your own free website on Tripod.com

Palengke,  Ang Mga Pamilihan sa Maynila noong Ika-19 na Siglo: Isang Paglalarawan

RESEARCH PAPERS

Ang papel na ito ay isinumite ni Jose Angelito Angeles noong Abril 2004 para sa ikakukumpleto ng mga kinakailangan sa Kasaysayan 110 (Kolonyal na Pilipinas I)

 

PANIMULA

Nakasumpong  na ba kayo ng isang pamayanang walang palengke? Karaniwan nating masusumpungan  ang palengke na nasa poblasyon  ng isang lalawigan  o sa mga central business district ng isang lungsod. Dito natin makikita ang iba't-ibang uri ng tao- bata, matanda, mahirap, mayaman, may ngipin o wala  kahit sino pumupunta rito. Kung ang iba ay pwedeng ipagpaliban ang pagpunta sa simbahan o mamasyal sa plaza o malls, masasabing ang pagtungo sa palengke ay hindi maaring makalimutan dhahil dito kinukuha  ang pangaraw-araw na pangangailangan  sa pagkain.

 

Pag-aaralan ng mananaliksik ang mga pamilihan sa Maynila noong ika-19 na siglo bilang salamin o palatandaan sa mga pagbabago sa daloy ng komersyo sa panahong nabanggit.

Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa dahon ng kasaysayan, susuriin  ng mananaliksik kung anu-ano ang mga produktong tinitinda sa pamilihan, kung saan ito nanggaling, mga paraan sa pagbibiyahe nito, mga sistema sa pagtitimbang at sukatan;at  halaga ng bilihin,.

METODOLOHIYA

Hindi magiging possible ang papel na ito kung walang mapagkukunang mga batis tungkol sa paksa. Ang mananaliksik ay may mga paraang ginamit sa pagkalap ng mga datos.

Gumamit ang mananaliksik ng mga pangunahing batis at aklat. Halimbawa nito ay ang mga sumusunod: mga tala sa paglalakbay nina Robert MacMicking, Charles Wilkes, at iba pa.; Census of the Philippine Islands (1903); The Philippine Islands; at iba pa.

Sa pagkalap ng mga kinakailangang mga batis, nagtungo ang mananaliksik sa mga sumusunod na aklatan at tanggapan: Pampublikong Aklatan ng Maynila, Ang Pambansang Aklatan , Aklatan ng Unibersidad ng Pilipinas -  Diliman, at sa Aklatan ng Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Pilipinas- Maynila.

MGA PAMILIHAN SA MAYNILA

Sa kasalukuyan, may labinganim na pamilihang bayan sa Maynila, kabilang na tatlong pamilihang makasaysayan ? ang Divisoria na nasa San Nicolas, Aranque sa Calle Azcarraga (na ngayo'y  Claro M. Recto Avenue) at ang Pamilihang Bayan ng Quinta na malapit sa Tulay ng Colgante (na ngayo'y Quezon Bridge). Ang iba pang kilalang pamilihang bayan sa Maynila ay ang mga sumusunod: Sta Ana Market, Trabajo, Dagonoy, Pritil, Sampaloc, San Andres, at ang Paco Market.

ANG MGA PAMILIHAN BAGO ANG IKA- 19 NA SIGLO

Ang Mga Pamilihan Bago Dumating ang mga Kastila

Ayon sa mga tala ni Chao Ju-Kua ang mga pamilihan noong mga sinaunang pamayanan  ay karaniwang masusumpungan sa mga pampang ng dagat o ilog. Isinalarawan niya ang bikas ng pamilihan maging ang pamaraan ng pagpapalitan ng mga kalakal: 

When [Chinese] merchantmen arrive at that port they cast anchor at a place [called] the place of Mandarins. That place serves them as a market, or site where the products of their countries are exchanged. When a vessel has entered into the port [its captain] offers presents consisting of white parasols and umbrellas which serve them for daily use. The traders are obliged to observe these civilities in order to be able to count on the favor of those gentlemen.

In order to trade, the savage traders are assembles and have the goods carried in baskets, and although the bearers are often unknown, none of the goods are ever lost or stolen. The savage traders transport these goods to the other islands, and thus eight or nine months pass until they have obtained other goods of value equivalent to those that have been received [from the Chinese]. This forces the traders of the vessel to delay their departure, and hence it happens that the vessels that maintain trade with Ma-yi are the ones that take the longest to return to their country [China].

Ang pampang ng Look ng Maynila at Ilog Pasig ang nagsilbing pamilihan ng mga sinaunang pamayanan sa Maynila. Kapansin-pansin na matatagpuan ngayon ang mga pamayanan ng mga Tsino, ang Chinatown, malapit sa tabing-ilog ng Pasig.

Pagdating ng mga Kastila


Nang dumating ang mga Kastila sa kapuluan noong ika-16 na siglo, nasumpungan nila na mayroon ng maunlad na panloob na kalakalan sa pagitan ng mga sinaunang pamayanan. Ayon kay Morga, barter, ginto, o kampanilyang gawa sa bakal ang kalimitang ginagamit na midyum sa pagpapalitan ng mga kalakal: 

Their customary method of trading was by bartering one thing for another, such as food, cloth, cattle, fowls, lands, houses, fields, slaves, fishing-grounds, and palm-trees (both nipa and wild). Sometimes a price intervened, which was paid in gold, as agreed upon, or in metal bells brought from China. ?. There are often delays and terms for certain payments, and bondsmen who intervene and bind themselves, but always with very usurious and excessive profits and interests.

Mga Paghihigpit

Nang dumating ang mga Kastila sa bansa ang ugnayang pangkalakalan sa mga bayan-bayan ay ipinasailalim sa patakaran ng una na palaganapin ang Kristiyanismo. Ayon kay Morga, ang mga katutubo ay hindi pinahihintulutang umalis ng kanilang pamayanan para makipagkalakalan kung walang pahintulot ng gobernador o ng alcalde-mayor:

Sa isang kautusang ipinalabas ng Real Audencia noong 1599, tinakda ng pamahalaan ang halaga ng mga manok: dumalaga, inahin, tandang, at capon.;  baboy; at  isda

TALAAN BLG. 1
Halaga ng Manok na Tinakda ng Real Audencia
(sa real)


Nangingitlog na Manok (Sangley) 2 ½
Inahing Manok (Moro)                               2
Tandang 1
Dumalaga 1 ½
Capon 3 ½

Pinagkunan: Blair and Robertson. The Philippine Islands, Vol. X, p. 306

Noong 1598, nagpalabas ang Real Audencia ng patakaran na  sapilitang pinag-aalaga ang mga bayang nakapalibot sa Maynila [Tondo, Pampanga, Bulacan, Laguna, Mindoro, Balayan (Batangas)] ng manok para suplayan ang Maynila ng mga kinakailangan nito.

Ipinag-utos din ng pamahalaan ang pagbabawal sa mga hucksters o middlemen na makialam sa kalakalang panloob upang maiwasan ang kaguluhan at pagtaas ng halaga ng bilihin sa mga pamilihan sa Maynila.  Sa naturang kautusan, tanging ang mga magsasaka lamang ang maaring makapagbili ng kanilang mga kalakal sa mga pamilihan.

Noong 1768,nagpalabas naman ng ordinansa si Gobernador Raon na humihimok sa bawat Indio na mag-alaga ng kahit labimdalawang inahin at isang tandang. 

Sa loob ng mahabang panahon, mula ng dumating ang mga Kastila hanggang sa pagpasok ng ika-19 na siglo, ang mga patakarang nabanggit ang siyang umiiral sa bansa.

ANG MGA PAMILIHAN SA MAYNILA NOONG IKA-19 NA SIGLO


Ang Pagpasok ng Ika-19 na Siglo

Maraming pagbabago ang naganap sa daigdig sa pagpasok ng ika-19 na siglo, lumaganap ang mga kaisipang liberal nina Locke, Rousseau, at iba pang mga pilosopo matapos ang matagumpay  na  Himagsikan sa Pransya noong 1789. Sa mga kolonya ng Espanya, nakarating din ang mga kaisipang yaon at ito'y nagbunga ng mga himagsikan upang palayain ang kanilang mga bansa sa pagkakasakop. Nanguna rito ang Mexico sa pangunguna ni Hidalgo, sinundan naman ito ng Gran Colombia sa pamumuno ni Simon Bolivar, at nagwakas ito sa Pilipinas noong 1896 sa himagsikang pinamunuan ni Andres Bonifacio.

Sa larangan ng pangkabuhayan, iwinaksi na ng mga bansang Europeo ang sistemang merkantilismo at sa halip ay niyakap nila ang sistemang malayang kalakalan o free trade. Upang makasabay sa agos ng pagbabago, binuksan ng pamahalaang Espanya ang mga pantalan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.  Unang binuksan ang pantalan ng Maynila noong 1834.  Sinundan pa ito ng pagbubukas ng iba pang pantalan: Sual (Pangasinan), Ilo-Ilo, at Zamboanga noong Setyembre 29,1855; at Cebu noong Hulyo 30, 1860.

Sa pagbubukas ng mga pantalan, hinimok ng pamahalaan ang pagtatanim ng mga cash crops ? tulad ng asukal, tabako, niyog (para gawing copra), abaka, indigo, kape, atbp.- na may malaking merkado sa ibang bansa. Samantala, maraming mga tao, karamihan ay mga mestizos, ang umiwan sa kanilang mga negosyo sa pagkakalakal ng mga manufactured goods sa Maynila dahil sa matinding kompetisyon sa mga Tsino. Sa halip, sila ay namuhunan sa mga plantasyon at hacienda. 

Sa kabilang dako, atin naming tignan ang mga pagbabago sa mga pamilihan sa Maynila noong ika-19 na siglo.

Ang Mga Pamilihan sa Maynila

Dalawang palengke ang matunog sa mga mamimili noong ika-19 na siglo: ang Divisoria at ang Quinta. Paboritong puntahan ng mga Kastila at mga nakakataas sa lipunan ang Divisoria dahil sa maraming maaring mabili rito: mga alahas, muebles, sapatos, magagarang damit sa bantog na Calle Escolta, mga masasarap na kainan sa Calle Rosario  at Calle Ongpin. Paborito rin itong puntahan ng mga tindero?tindera ng mga palengke sa ibang lugar dahil dito nila kinukuha ang kanilang mga kalakal na kanilang ititinda. Ang Divisoria noon, maging magpasahanggang- ngayon, ay ang bagasakan ng mga kalakal mula sa iba?tbang lalawigan at mga bansa (kung ating titignan ang lokasyon ng Divisoria, ito ay malapit lamang sa pantalan ng Maynila).

Ang Divisoria na ang ibig sabihin ay naghihiwalay na linya, ay matatagpuan sa noo?y mga distrito ng Binondo at San Nicolas. Ang palengke ay nagsimula sa mga malilit na tindahan sa mga kalye. Isinalarawan ni Visitacion dela Torre ang palengke ng Divisoria sa kanyang akdang, Landmarks of Manila 1571-1930:

Divisoria is market of all markets. Divisoria began simply as a street  around with an entire marketing district sprang, each street associated with a particular piece of merchandize.

San Nicolas was once Manila's commercial hub when the galleon trade held sway for more than 2 ½ centuries. Trade boomed in the small alcaiceria de San Fernando (raw silk market) built in 1582 and which expanded in the 18th century. The marketplace was then described to have consisted of an open building octagonal in shape and surrounded by "roof-supported shafts."  As centuries rolled by, San Nicolas assumed the look of Spanish town with its squat stonehouses with arched doorways, peopled by Chinese who were later joined by Filipinos.

Isinalarawan naman ni Robert MacMicking ang maaring mabili sa Binondo:

The Escolta and Rosario, on that side of the river, being the principal streets, built however without any regard to regularity, so that they are not handsome, but in them nearly all the best Chinamen's shops are situated. These are in general very small confined places, though crammed with manufactures, the produce of Manchester, Glasgow, Birmingham, and of many European and Chinese manufacturing marts. Some of the shops may also be stuffed with the valuable piña cloth, huse, and other productions of the native looms.

Dagdag pa niya, halos kontarolado na ng mga Tsino ang lahat ng uri ng pagnenegosyo sa Binondo maliban sa iilang mga mestizos at Kastila na nagtitiyaga sa maliit na tubo o kita. Ang mga Tsino ay kilala sa pagbibili ng kanilang mga produkto sa mababang halaga.

Noong Enero 20, 1901, sa ilalim na ng pananakop ng mga Amerikano, ipinatayo ang palagiang gusali ng palengke ng Divisoria at ito ay natapos noong Nobyembre 1, 1901 na ginugulan ng mahigit P 155, 469.50.


Sa kabilang dako, ang palengke naman ng Quinta o country house, ay matatagpuan naman sa Quiapo, malapit sa basilica ng Poong Nazareno. Ito ay nasa tabi lamang ng pampang ng Ilog Pasig at ng Fuente de Colgante.

Mga Mabibili sa Palengke at ang  Pinanggagalingan Nito

Gaya ng ibang palengke, karamihan sa mga ibinibili sa mga palengke ng Maynila ay mga pagkain- isda, karne, gulay, at bigas. Ayon sa mga tala ni MacMicking, ang palengke raw ng Santa Cruz,  mula ika-anim hanggang ika-walo  ng umaga at gabi, ay kakitaan ng maraming tao  na namimili ng kanilang pangangailangan sa bahay at iba pang bagay.  Ang isda ang pangunahing pagkaing mabenta dahil ito ang paboritong kainin ng mga Indios at maging ng mga Kastila. Bukod pa sa paborito ito ng mga mamimili, ito rin ang pinakasariwa dahil ito ay hinuhuli lamang sa katabing-ilog, ang Pasig, kung hindi man ay sa kalapit na Look ng Maynila (Manila Bay). Ayon pa sa paglalarawan ni MacMicking:

The market is well supplied with al descriptions of fish caught in the Pasig or the bay, most of which are well-tasted; the fishermen of the villages in the neighborhood being the principal suppliers. A small sort is found in the river, very much resembling white-bait in taste. Shrimps are also consumed in large quantities. After the rains there may generally be procured, by those who like them, frogs, which are taken from the ditch round the walls in great numbers, and are then fat and in good condition for eating, making a very favourite curry of some Europeans, their flesh being very tender.

Maliban sa isda, mabili rin ang mga karne ng baka at baboy, na maaring mabili sa araw-araw maliban lang sa Biyernes- kung saan ang mga karneng yaon ay nilalaan sa pangngailangan ng mga inbalido.  Ang mga karne ng baboy ay hindi mabili sa mga Europeo, bagkus ay pinandidirihan nila itong kainin dahil sa hindi kaaya-ayang pag-aalaga dito ng mga Indios: hinhayaan nilang pagala-gala ang mga alagang baboy sa mga kalye at masusumpungang namamasura sa mga daan. Bagama't hindi ito gusto ng mga Europeo, ito naman ay paborito ng mga Tsino at maging ng mga Filipino.

Ang mga manok at pato ay mabibili ng buhay sa mga palengke, hindi tulad ngayon na puro dressed chicken o nakakatay na ang mabibili. Paborito itong bilhin ng mga mamimili lalo na tuwing  sa araw ng Linggo  para gawing itong ulam na tinola.

 

 

 

Isang manininda ng prutas

    Ang bigas naman ay mabibili sa mga bazaar, kung saan mabibili rin ang iba?t-ibang uri ng mga  prutas, tulad ng manga, pinya, melon, pipino, lansones, kaymito, kalamansi at iba pa. Ang mga prutas na yaon ay kalimitang nanggagaling sa mga lalawigan ng Kabite, Laguna, Morong at sa mga kalapit-bayan ng Maynila

       

Malaki rin ang pagbabagong idinulot ng pagbubukas ng Maynila sa pandaigdigang kalakalan sa mga kalakal na ipinagbibili sa mga palengke at sa panlasa ng mga Filipino. Maraming mga dayuhang produkto na ang maaring mabili sa mga pamilihan; tulad ng mansanas,  ubas, peras at kahel (na galing Tsina), mga patatas (na galing Australya at Tsina), sago (galing Borneo), cochineal (galing Java, Netherlands East Indies), at mga pinggan na galing Tsina.


 

Maliban sa mga palengke, may kalakalang nagaganap din sa mga kalsada, tulad sa panahong ngayon na madalas nating masumpungan ang mga nagtitinda sa mga bangketa at mga naglalako ng kanilang panindang samalamig, fishball,kikiam, at iba pa. Ayon kay Alfred Marche, sa pagsikat pa lang ng araw ay masusumpungan na sa mga kalsada ang mga lecheras o manlalako ng gatas, mga zacateros, mga manggugupit na Tsino, at mga sorbetero.

                                                                                                           

                                                                       

                                                                                                                                          

TALAAN BLG. 2
HALAGA NG BILIHIN, 1846
(sa Piastre)
 

Produkto

 Yunit

Halaga

Bigas

 Kilo

0.35

Dalag

Kilo

 0.50

Sugpo

 Kilo

 0.30

Karne ng Baka

Kilo

 0.70

Karne ng Baboy

Kilo

0.90

Alak na Val de Peñas

Isang bote

1.00

Itlog ng Pugo

Isang dosena

1.50

Patatas

Isang dosena

0.16

Kamatis

Isang dosena

0.23

Uling

Isang kariton

 6.55

Chorizo

 0.45


 
PINAGKUNAN; Jean Mallat. The Philippines: History, Geography, Customs, Agriculture, Industry and Commerce of the Spanish Colonies in Oceania, p. 114-115

Sa mga mabilis na pagbabagong naganap noong ika-19 na siglo at ang pag-unlad na dulot nito, lumago ang populasyon ng Maynila noong panahong yaon (Tignan ang Talaan blg. 3)

TALAAN BLG. 3
POPULASYON NG MAYNILA
(1812- 1845)


Taon      Bilang
1812    1,741,034
1815   1,933,331
1817   2,052,992
1818    2,106,386
1829   2,593,287
1833   3,153,290
1840   3,209,077
1845   3,488,258
PINAGKUNAN: Census of the Philippine Islands, 1903, Vol. I, p. 443.


Pagbibiyahe ng mga Kalakal

May dalawang paraan ang pagbibiyahe ng produkto patungong Maynila noong panahong yaon. Una, sa pamamagitan ng sasakyang panlupa at pangalawa, ay sa pantubig. May ilan-ilan naman na nagluluwas ng kanilang produkto sa pamamagitan ng paglalakad lamang.

Mga Sasakyang Panlupa. Bago ang ika-19 na siglo, ang kadalasang sinasakyan ng mga tao para iluwas ang kanilang mga kalakal ay ang mabagal na karitela na hila-hila ng kalabaw. Ngunit sa pagdaan ng panahon, ipinakilala na rin ng mga Kastila ang mga sasakyang hila-hila ng kabayo, na higit na mas mabilis kaysa sa karitela. Ang mga sasakyang ito ay ang mga sumusunod: carromatas, carruajes, at calesa. Isinalarawan ni Alfred Marche ang bikas ng carromatas at calesa sa mga sumusunod na tala:
 

                      

 ang carromata


The calesa is a kind of cabriolet topped by a big hood which, lowered in front, droops fairly low in order to protect passenger against the sun. The bata (driver) is seated behind , on a small seat, his feat resting on the springs of the vehicle. When the said hood is thrown backwards and one has rolled it up to the top and fastened with straps, the leather of which its back is made, the bata passes his head through the empty space left by the rolling up; he then resembles the jack-in-the-boxes which are the terror of our little children.

The carromata, which does not resemble any of our European vehicle is decorated with leather or cloth curtains intended to protect the passenger from the sun and from the rain; a very low seat  is at the back part; it is there the passenger seat himself, who can easily rest his head upon his knees; the driver has his seat but usually, he prefers to sit on one of the shafts; the whole is set on two wheels, with springs of steel or bamboo; and in front, a weak horse that receives more blow than food.

Lalong napagaan ang pagbibiyahe ng mga mamimili sa palengke ng inagurahan noong 1888 ang tranvia (sasakyang pang-masa na hila-hila ng kabayo). Ang tranvia ay pinatatakbo ng isang pampribadong kumpanya, ang Compania de Tranvias de Filipinas. Ngunit ang pinakamalaking pagbabago at nagpabilis  sa pagbibiyahe ng produkto patungong Maynila ay naganap noong Marso 24, 1891 ng buksan na ang Manila-Dagupan Railway. Binabagtas ng naturang riles ang mga lalawigan ng Pangasinan, Pampanga, Bulacan, Morong, hanggang sa Istasyon ng Tutuban sa Maynila- na may ilang metro lamang ang layo sa mga pamilihan ng Divisoria at Aranque.

Sa kabilang dako, magaganda naman ang lagay ng mga kalsada sa Maynila noong panahong yaon, maliban na lang sa mga kalapit-bayan nito. Sa paglalarawan ni Frederick Simpich ng National Geographic nang una siyang dumating sa Pilipinas noong 1899, bukod sa mga masasamang lagay ng kalsada (sa kalapit bayan ng Maynila) ay naglipana rin ang mga baboy, manok, aso, karitela, at mga pedestrian na naglalakad na animo?y parang tulog.

Mga Sasakyang Pantubig
. Ang pagbibiyahe ng mga produktong nangagaling pa sa iba?t-ibang isla ng kapuluan ay ginagamitan naman ng iba?t-ibang klase ng sasakyang pandagat, tulad ng caracoas, pancos, galeras, at iba pa. Karamihan sa mga sasakyang ito ay nasa pagmamay-ari ng mga Filipino at mga Mestizos.

Noong panahong ring yaon, ang pantalan ng  Maynila ay walang gaanong pasilidad para  sa paghihimpilan ng malalaking mga sasakyang pandagat kaya marami sa kanila ang kailangang umangkla pa sa malalayong lugar. Upang maibiyahe ang mga kalakal patungong Maynila kinakailangan nilang upahan ang serbisyo ng mga cascos- mga katutubong sasakyang nagsisilbing lighter at tagapagdala ng mga kargamentong pangkalakal  mula sa mga barko patungong pantalan.

Sistema ng Timbangan at Sukatan

Maunlad na ang kalakalan sa Pilipinas ng dumating si Fernão de Magalhães noong 1521. Sa katunayan, namangha siya sa paggamit ng mga katutubo ng hustong timbangan at panukat.

Ang timbangan noon ay isang lanseta (o tabak) na nakasuspinde sa isang kordon. Sa isang dulo ng kordon ay isang maliit na korteng palanggana na sinusuportahan ng tatlong tali, at sa kabilang dulo naman ay ang panimbang .
Samantala, noong panahon ng Kastila, ang mga timbangan ay nakabatay na sa mga sumusunod: quintal, chinanta, cates, tael at demi-cate.Ang quintal ay katumbas ng animnapu't anim(66) na kilo, o pitumpu't dalawang (72) cates at labing-apat na onsa. Ang pickle (pike) ay kayumbas ng isang daang cates. Ang  ay isang cate ay binubuo ng labing-anim na taels, na ang bawat isa ay may katumbas na isa at 2/22 onsa.

Ang bigas at mais naman ay sinusukat sa pamamagitan ng caban, ganta (o salop), at chupa (o gatang). Ng isang caban o kabang bigas o mais ay katumbas ng 25 salup. Ang isang salup naman ay katumbas ng walong gatang.

Sa mga tindang isda at mga lamang-dagat, tatlong sistema ng sukatan ang umiiral: Una, ang pagtutuhog- na ginagawa sa mga isdang tulad ng tawilis, hasa-hasa, danggit, at sapsap; Pangalawa, ang pagkikilo ? sa mga isdang tulad ng bangus, lapu-lapu, dalag, pusit, sugpo, at iba pa; at Pangatlo, ang pagtatakal- tulad ng sa mga tahong, talaba, tulya at halaan.

Ang mga gulay naman ay mabibili ng dose-dosena, pira-piraso at kung minsan ay kinikilo rin.

Ang mga karne ng baka at baboy ay ginagamitan naman ng timbangan. Ang mga manok ay nabibili naman ng buhay, ngunit ang halaga ng bawat isa ay depende sa uri nito.

Midyum ng Pagpapalitan ng Produkto


Ang piastre, na kilala sa tawag na piso ng mga Tagalog, ang siyang umiiral na salapi sa Pilipinas noong panahong yaon. Tulad sa Espanya, ang piastre ay nahahati sa reales: ang ½ real (saycavalo);  1 real (saycapat); 2 reales (cahati); 3 reales (tatlong bahagi); 4 reales (salapi0; 6 reales (may calavang cahati); 7 reales (may calavang talong bahagi) at 8 reales (piastre o piso).

Ayon kay MacMicking, dahil sa kakulungan sa sirkulasyon ng salapi sa bansa noong panahong yaon nagdulot ito ng kalituhan sa mga mamimili at pagsasamantala sa mga negosyante:

The copper money in circulation is so scanty as to be perfectly inadequate for the purpos, and at the time of my leaving Manila, the usual charge for exchanging a dollar for copper money was a quartillo, or the quarter of a real, worth about a penny halfpenny of English money.

In consequence of this scarcity, the natives are in the habit of employing cigars as money, to represent the smaller coins; and all over the Philippines a cigar is actually the most important circulating medium, each representing a cuarto.

At various times the scarcity of copper coins has given rise to extensive forgeries of them, and caused a considerable depreciation in their actual value, the false coinage being all of spurious metal.

Nagpatuloy ang magulong sistema ng pananalapi sa bansa hanggang sa magtapos ang pananakop ng mga Kastila sa bansa noong 1898, sa paglalagda ng Tratado sa Paris na naglilipat ng pamamahala sa bansa sa mga Amerikano. Samantala, nagpalabas naman ng mga salaping papel ang Unang Republika ng Pilipinas sa mga nasasakupan nito bilang legal tender sa anumang transaksyon ngunit ito ay pinawalang bisa ng pamahalaang Estados Unidos ng ganap na nitong nakubkob ang bansa noong 1901. Sa taong ding yaon, pinaiiral ng pamahalaan ang bagong salapi ng Pilipinas, ang piso na may katumbas na US$0.50.

KONKLUSYON

Malaki ang pinagbago sa mga pamilihan ng Maynila mula ng buksan ang bansa sa pandaigdigang kalakalan. Umunlad ang mga negosyo dahil sa marami ng kalakal na maaring mapagpilian at mabili sa murang halaga, dagdag pa rito ng pagtaas ng bilang ng mamimili bunga ng paglago ng populasyon.

Nakitaan din ang pagbilis ng pagbibiyahe ng mga produkto dahil sa mga makabakong sasakyang dinala rito ng mga Kastila ng panahong yaon.

Bagama?t maraming magagandang pagbabago ang nangyari sa panahong ito, maraming suliranin ang hindi natugunan ng pamahalaan: 1. ang pagbagsak  ng mga negosyong pagmamay-ari ng mga Filipino dahil sa kumpetisyon sa mga Tsino; at 2. ang magulong sistema ng pananalapi at kawalan ng pamalagiang sistema ng pagtitimbang at sukatan ng paninda sa pamimili. 

MGA SANGGUNIAN


Mga Aklat

Census of the Philippine Islands (1903), Vol. I

Blair and Robertson. The Philippine Islands (1280- 1605), Vol. 34. Cleveland, Ohio:
The Arthur H. Clark Co., 1903

De Comyn, Tomas. State of the Philippines in 1810. Manila: Filipiniana book Guild, 1969

Jagor, Feodor. Travels in the Philippines,Manila: Filipiniana Book Guild.

Mallat, Jean. The Philippines: History, Geography, Customs, Agriculture, Industry and
Commerce Of the Spanish Colonies in the Oceania. Manila: National Historical Institute, 1983

MacMicking, Robert. Recollections of Manila and the Philippines. Manila: Filipiniana Book
Guild, 1967

Marche, Alfred. Luzon and Palawan.Manila: Filipiniana Book Guild, _____.

Marcos, Ferdinand E. Tadhana,Manila: by Ferdinand Marcos, 1977

Wilkes, Charles. Travel Account of the Philippines (1832-1858). Manila: Filipiniana Book
Guild,1974

Zaide, Gregorio. Philippine Political and Cultural History, Vol II. Manila: ______, 1949.

Mga Peryodikal

Hildebrand, J.R.?The Greatest Voyage in the Annals of the Sea,? National Geographic
Magazine Vol. LXII No. 6. Washington D.C.: National Geographic Society, December, 1932

Simpich, Frederick. ?What Luzon Means to Uncle Sam,? National Geographic Magazine Vol.
98 No. 3.Washington, D.C.: National Geographic Society, March 1945

 

 

Personal na Pahina ni Jose Angelito Angeles
inapdeyt ika-26 ng Setyembre 2006